SAN MARCELINO, Zambales – Kahapon, ikaw-15 ng Hunyo, sa pag-uusap ng ating mahal na Kgg. Mayor Elvis Ragadio Soria at Dr. Melinda Punzalan, District Supervisor ng DepEd San Marcelino, sinabi ng ating Mayor na wala munang magaganap na face to face classes.

Pinag-usapan ng ating mahal na Mayor at Dr. Punzalan ang District Learning Continuity Plan S.Y 2020-2021. Dito ay inilatag ni Dr. Punzalan ang Learning Continuity plan, ito ang Learning Delivery Modalities na isasagawa upang masigurong tuloy-tuloy ang edukasyon.

Ipinaliwanag ni Dr. Punzalan, ang Learning Continuity Plan ay mayroong Delivery options – Face to face, Distance Learning, Blended Learning, at Home.

Aniya, ang napag-usapan ng DepEd San Marcelino ay ang blended learning. Ito ay kombinasyon ng Online at Modular learning delivery. Mayroon itong mga books at modules, take home activity sheet, electronic book (E-book). At agad naman itong sinang-ayunan ng ating mahal na Mayor.

Sinabi pa ni Dr. Punzalan na ang mga paaralan na may malakas ang signal ng internet ay online at modular ang kanilang gagamitin, samantala ang paaralan na walang signal ng internet katulad ng mga paaralan na nasa Eastern Barangays ay modular ang kanilang gagamitin.

Kasama rin sa pagpupulong sina Madam Almera Miro – District Coordinator Private Schools, Madam Noemi Cula – Principal ng Rabanes at Pili Elem. School at Ginoong Rommel Paje ng Jude Hendrix Memorial Aeta School.

Ayon kay Mayor Elvis Soria, ang kapakanan at kalusugan ng mga mag aaral at guro ang pangunahing binibigyan ng pagpapahalaga. [San Marcelino PIO News]

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!” #TatakERS