SAN MARCELINO, Zambales – Kasalukuyan pa rin ang Rapid Diagnostic Test sa mga guro ng DepEd San Marcelino na nagsimula noong lunes, ika 15 ng Hunyo at ito ay isinasagawa ng Municipal Health Office at San Marcelino District Hospital (SMDH).

Ayon sa MHO, may bilang na 376 na mga public school teachers ang ira-rapid test sa loob ng limang(5) araw.

Sa Day 1 to 4, uunahin ang mga guro na nagtuturo sa mga paaralan sa San Marcelino, at ang Day 5 ay mga gurong taga San Marcelino na nagtuturo naman sa ibang bayan ng Zambales.

Ang extraction ,client information form at result ay sa Municipal Health Office at ang testing ay doon naman sa SMDH.

Maliban sa San Marcelino, isinasagawa rin ang Rapid Testing sa ibang bayan ng Zambales.

Samantala, ito ay libre na handog ng ating butihing Gobernador Hermogenes Ebdane Jr. at mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria.

Kaugnay nito, ang mga guro naman na nasa private schools at non-teaching force ay dapat may bayad, pero ibibigay na nang libre ni Mayor Elvis Soria. [San Marcelino PIO News]