BUHAWEN, San Marcelino – Nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pangunguna ng ating butihing Gobernador Hermogenes Ebdane Jr sa mga residente ng sitio Lumibao sa Barangay Buhawen na nag-evacuate dahil sa sagupaan ng militar at grupo umano ng NPA. Nasa mahigit 200 pamilyang evacuees ang nabiyayaan ng food packs na ibinigay ng ating butihing Gobernador. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa pamumuno ng ating mahal na Mayor, Kgg. Elvis Soria. Ipinaabot rin ni Gob. Ebdane ang kanyang mensahe at pagmamahal sa mga evacuees.