San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

May 30 magsasaka sa bayan ng San Marcelino ang nagtapos sa Fish Farmers’ Field School ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang Farmers’ Field School on Monoculture of Sex-Reversed Tilapia in Grow-out Pond ay kauna-unahang isinagawa sa buong probinsya ng Zambales at ikalawa sa Central Luzon.

Layunin ng pagsasanay na mapataas ang produksyon at kita ng mga fish farmer, gayundin ang mabawasan ang pag-aangkat ng tilapia mula sa ibang probinsya.

Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO), target ng programa na maging self-sufficient ang San Marcelino sa produksyon ng tilapia.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 105,280 square meters ng mga palaisdaan sa bayan ang may angkop na suplay ng tubig para sa pagpapalaki ng tilapia.

Kaugnay nito, nakatuon ang pagsasanay sa mga best practices, sustainable methods, at disease management upang higit pang mapahusay ang kabuhayan ng mga magsasaka at matiyak ang seguridad sa pagkain sa bayan.

Sa ilalim ng programa, sumailalim ang mga benepisyaryo sa apat na buwang pagsasanay na nagsimula noong ika-19 ng Setyembre 2025 at nagtapos ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng ating mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria na ang programa ay mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng mga lokal na magsasaka sa larangan ng aquaculture.

Aniya, sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba ay inaasahang tataas ang produksyon at kita ng mga fish farmer, kasabay ng layunin ng bayan na makamit ang kasapatan sa produksyon ng tilapia.

Dagdag pa ng alkalde, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang magpapaunlad sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa San Marcelino.

Bukod sa mga lokal na opisyal, nagbigay rin ng mensahe sina BFAR Region 3 Regional Director Wilfredo M. Cruz; Sangguniang Bayan Member Jose Gutierrez, chairman ng Committee on Agriculture; Municipal Agriculturist Remin P. Sardo at Kristine Grace Cacho, Inland Fisheries Development Focal Person.

Dumalo rin sa graduation ceremony sina Provincial Fisheries Officer Neil Encinares, Provincial Aquaculturist Elena Lucero, at Ma. Charito Coma, officer-in-charge ng Training Unit ng BFAR Region III.

Pinangasiwaan ng MAO, katuwang ang BFAR – Central Luzon at ang Provincial Agriculture Office, ang naturang programa.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS