San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Masayang tinanggap ng nasa 776 senior citizens sa bayan ng San Marcelino ang kanilang Social Pension para sa ikalawang quarter ng 2026.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P3,000 na tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria.

Layunin ng programa na matulungan ang mga indigent senior citizens na walang natatanggap na regular na pensyon mula sa alinmang ahensya ng pamahalaan.

Isinagawa ang pamamahagi sa Plazuela Multi-Purpose Hall at sa mga barangay ng Aglao, Buhawen, San Rafael, at Sta. Fe, sa pangunguna ni MSWDO Head Sahra Soria, katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Fatima Ladringan.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kawani ng Municipal Treasury Office sa pamumuno ni Municipal Treasurer Eleanor Damasco upang matiyak ang maayos at mabilis na distribusyon ng ayuda.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Soria na nananatiling prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa komunidad.

Dagdag pa niya, patuloy na ipinatutupad ang mga programang tulad ng Social Pension upang makapagbigay ng ginhawa at suporta sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga senior citizen.

Ang Social Pension Program ay isang inisyatibo ng DSWD, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, upang masuportahan ang pangunahing pangangailangan ng mga nakatatanda tulad ng pagkain, gamot, at iba pang gastusin.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS