San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Ang maayos na kalsada ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na ang mga nakatira sa mga liblib na lugar.

Napapabilis nito ang transportasyon hindi lamang ng mga tao kundi maging ang paghahatid ng mga ani o produktong dati’y nahihirapang mailapit sa mga lugar na may mas mataas na demand.

Sa pamamagitan ng pondong inilaan para sa Local Infrastructure Program ng Pamahalaang Bayan ng San Marcelino, sa inisyatibo ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, kasalukuyang isinasagawa ang pagkokongkreto at paglalagay ng drainage canal sa dati’y maputik at mabatong kalsada sa Sitio Lomibao, Brgy. Buhawen.

Layunin ng proyekto na gawing mas ligtas at mas maayos ang daloy ng paglalakbay ng ating mga kababayan at mga sasakyan sa lugar.

Inaasahang giginhawa ang kalagayan ng ating mga magsasaka at mga nagdadala ng produkto mula sa barangay dahil sa proyektong ito.

Ayon kay Mayor ERS, para sa lahat ang ginagawang pagsasaayos sa ating bayan. Asahan na ang bawat buwis na ibinabayad ng Marcelineans ay napupunta sa wastong paggasta.

Naniniwala rin si Mayor ERS na upang higit pang mapalakas ang ating lokal na ekonomiya, nararapat na matulungan ang ating mga kababayan sa mas madali at mabilis na paglalakbay—indibidwal man o produkto.

Ang kalsadang ito ay sumisimbolo sa pagpapatibay ng daan patungo sa kaunlaran, hindi lamang ng ating mga komunidad kundi maging sa pakikibahagi sa pag-unlad ng ating bansa.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS