San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Pinaghahandaan na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Pamahalaang Bayan ng San Marcelino, sa pangunguna ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, ang nakaambang El Niño phenomenon.

Bilang paghahanda, nagsagawa ng pagpupulong ang MDRRMC upang bumuo ng isang mitigation plan na magtitiyak ng kahandaan sa panahon ng El Niño.

Nababahala si Mayor Soria sa posibleng epekto ng inaasahang tagtuyot na maaaring magsimula sa buwan ng Oktubre hanggang sa susunod na taon.

Ipinresenta naman ni MDRRMO Head Arsenio Edar Mauricio III ang naging tugon ng LGU San Marcelino sa nagdaang tagtuyot noong 2024, gayundin ang mga planong hakbang para sa nakaambang El Niño.

Ayon kay Head Mauricio III, ang tagtuyot ay maaaring magdulot ng matinding epekto sa mga pananim at alagang hayop.

Pinangangambahan din ang kakulangan sa suplay ng tubig, matinding init ng panahon, at pinsala sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Nais ng alkalde na maging handa ang lahat upang matulungan ang mga magsasaka at mamamayang maaapektuhan ng tagtuyot.

Matatandaang naglabas ng abiso ang Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST–PAGASA) hinggil sa banta ng El Niño sa bansa, na may 79% na probabilidad na maranasan ito hanggang sa unang quarter ng 2027.

Inaasahang sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at pakikiisa ng mga mamamayan, mababawasan ang masamang epekto ng El Niño sa ating bayan.

Samantala, dumalo rin sa pagpupulong sina Punong Barangay Mario Tagapuen ng Aglao, Edgardo Dueñas ng Buhawen, Chief of Police Police Major Exodus Rodriguez ng Philippine National Police (PNP) San Marcelino, at Fire Officer Gemel Dalupang ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Marcelino.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS