San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

KITAEN: Kasalukuyang isinasagawa ngayong Abril 30, 2026 ang pamamahagi ng ₱2,000 fuel subsidy voucher mula sa pamahalaang lokal ng San Marcelino para sa mga kwalipikadong tricycle driver sa bayan.

Ginanap ang aktibidad sa Municipal Evacuation Center sa Barangay Laoag.

Pinangunahan ito ng mga opisyal ng LGU sa pamumuno ng ating mahal na si Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ayon kay Mayor Soria, layunin ng programang ito na makapagbigay ng agarang tulong sa mga drayber na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina, kasabay ng pagpapanatiling abot-kaya ng pamasahe para sa mga pasahero.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS