San Marcelino, Zambales, Philippines

ILI 'TI

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Tutungo sa Agusan del Sur ang isang kabataang atletang Marcelinean kasama ang isang coach upang lumahok sa Palarong Pambansa 2026.

Lalahok ang atletang Marcelinean sa sport na billiards.

Tiwala ang ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria na maipapakita ng kabataang atleta ang husay, talento, at disiplina ng Marcelinean sa pambansang kompetisyon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Mayor Soria na patuloy na nakahanda ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pagbibigay ng suporta at inspirasyon sa mga kabataang Marcelinean na nagbibigay karangalan sa bayan sa larangan ng sports.

Gaganapin ang Palarong Pambansa 2026 mula Mayo 23 hanggang 30 sa Agusan del Sur.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS