Ngayong mainit ang panahon kasabay ng bakasyon sa paaralan, inaasahang muling dadagsa ang mga tao sa mga resort, ilog, beach, at dagat.
Dahil dito, pinaaalalahanan ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria ang mga Marcelineans na maging maingat, sapagkat kaakibat nito ang banta ng mga aksidenteng maaaring humantong sa pagkalunod.
Ayon kay Mayor ERS, mahalagang mag-ingat ang bawat isa upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod at mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
Nanawagan din si Mayor Soria sa mga Marcelineans, gayundin sa mga turista, na sundin ang mga safety reminders ng kinauukulan upang maiwasan ang trahedya ngayong dry season.
“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”
#SerbisyongSORIA#TatakERS
