Isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang unang tatlong araw ng Waste Analysis and Characterization Study (WACS) sa Barangay Aglao at Buhawen mula Mayo 2 hanggang 4, 2026, alinsunod sa direktiba ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria.

Pinangunahan ni MENR Officer Marvin Beltran ang aktibidad kung saan masusing sinuri ang iba’t ibang uri ng basurang nalilikha sa mga kabahayan, kabilang ang biodegradable, recyclable, residual, at special waste.
Layunin ng pag-aaral na makakalap ng tumpak na datos na magsisilbing batayan sa pagpapalakas ng solid waste management system ng munisipalidad.

Ang WACS ay bahagi ng paghahanda sa pagbuo ng 10-Year Solid Waste Management Plan ng San Marcelino.
Sa pamamagitan nito, inaasahang makapaglatag ang lokal na pamahalaan ng mas episyente at pangmatagalang solusyon para sa maayos at sustenableng pamamahala ng basura.
Nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa pakikiisa ng mga residente, mga opisyal ng barangay sa pangunguna nina Punong Barangay Mario Tagapuen at Edgardo Dueñas, at mga katuwang na ahensya na naging mahalagang bahagi sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!
