
Pinapaalalahanan ng Pamahalaang Lokal ng San Marcelino, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), ang mga mag-aaral sa kolehiyo na ihanda ang mga sumusunod na requirements para sa kanilang aplikasyon sa Agosto 2026.
Voter’s ID o Voter’s Registration
Barangay Indigency
Barangay Residency
Original o CTC ng Certificate of Registration (COR) with grades o original o CTC ng Certificate of Enrollment (COE).
Kaugnay nito, hinihikayat ang mga hindi pa rehistradong botante na magparehistro na, sapagkat hanggang Mayo 18 na lamang ang itinakdang huling araw ng voter registration sa COMELEC.
Para sa mga nais magparehistro, kinakailangang magdala ng isang photocopy ng valid ID na may address sa lugar kung saan nais magparehistro.
Magtungo lamang sa Plazuela Multi-Purpose Hall mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Libre rin ang registration form sa mismong venue.
Para sa karagdagang impormasyon o iba pang katanungan tungkol sa Educational Assistance at Scholarship Program, maaaring magtungo sa PESO San Marcelino.
Maraming salamat po.
“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”
