San Marcelino, Zambales, Philippines

ILI 'TI

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Tuloy-tuloy ang pagrarasyon ng tubig ng Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa Sitio Dalanawan, Barangay Aglao.

Katuwang ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang Motorpool Section at Bureau of Fire Protection (BFP) San Marcelino sa pagrarasyon ng tubig.

Patuloy na gumagawa ng paraan at solusyon ang LGU San Marcelino, sa pamumuno ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, upang matugunan ang problema sa suplay ng tubig at mabigyan ng sapat na rasyon at maayos na daloy ng tubig ang ating mga kababayan—hindi lamang sa kabayanan kundi maging sa mga liblib na lugar.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS

See less