San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Dumalo si Gobernador Hermogenes Ebdane Jr., Chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) sa Rehiyon III, sa isinagawang Joint National Peace and Order Council (NPOC) at Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting para sa unang semestre ng 2026 sa Palasyo ng Malacañang.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang naturang pagpupulong, kung saan nagtipon ang mga lider mula sa iba’t ibang probinsya, katuwang ang mga pambansang opisyal, upang higit na mapalakas ang koordinasyon sa pagtugon sa mga pangunahing usapin sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Layunin ng NPOC-RPOC Joint Meeting na pagtibayin ang mga estratehiya, suriin ang kasalukuyang kalagayan ng peace and order sa buong bansa, at patatagin ang whole-of-government approach sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko, katatagan ng komunidad, at mahusay na pamamahala.

Kaugnay nito, tiniyak ni Gob. Ebdane na bilang pinuno ng RPOC Central Luzon, patuloy nilang ipatutupad ang mga programang magpapalakas sa seguridad at kaayusan sa rehiyon, kasabay ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Samantala, muling binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng nagkakaisang aksyon ng pamahalaan upang matiyak ang ligtas at matatag na pamayanan sa buong bansa.

📷Presidential Communications Office

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS