Ngayong ika-13 ng Abril, muling ipinagpapatuloy ang clearing operations laban sa mga dangling wires sa iba’t ibang pangunahing kalsada sa San Marcelino.
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng trapiko sa ating mga lansangan.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Task Force “Wire Wise” sa pamumuno ng MDRRMO, katuwang ang Municipal Engineering Office, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Traffic Management Unit (TMU), at mga kinatawan mula sa ZAMECO II at iba’t ibang telecommunication companies.
Layunin ng aktibidad na alisin, ayusin, at putulin ang mga sirang kable at nakalaylay na linya na nagdudulot ng panganib sa mga motorista, pedestrian, at residente—lalo na sa panahon ng masamang panahon.
Ang tuloy-tuloy na operasyong ito ay sumasalamin sa malasakit ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan, gayundin sa adhikain nitong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa buong munisipalidad.
“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”




