San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Nakipagpulong ang ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria sa mga presidente ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) upang talakayin ang kalagayan ng sektor ng transportasyon sa gitna ng patuloy na pagbabago sa presyo ng petrolyo.

Sa nasabing pulong, kinilala ng alkalde ang mga hamong kinahaharap ng mga tricycle driver, partikular ang epekto ng paggalaw ng presyo ng langis sa kanilang araw-araw na kita.

Bilang tugon, nakatakdang ipamahagi ng pamahalaang lokal ang ₱2,000 fuel subsidy voucher sa mga kwalipikadong tricycle driver sa bayan ngayong Huwebes, Abril 30, 2026.

Ayon kay Mayor Soria, layunin ng programang ito na makapagbigay ng agarang tulong sa mga drayber na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina, kasabay ng pagpapanatiling abot-kaya ng pamasahe para sa mga pasahero.

Binigyang-diin din ng alkalde na patuloy na nagsisikap ang LGU San Marcelino na makapagpatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, partikular sa sektor ng transportasyon, sa kabila ng limitadong pondo.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang mga kinatawan ng TODA sa maagap na pagtugon at suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang bayan sa kanilang sektor.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS