San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Dumalo ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang lokal ng San Marcelino sa isinagawang Flag Raising Ceremony nitong Lunes, ika-20 ng Abril 2026, bilang hudyat ng panibagong linggo ng patuloy na paglilingkod sa mamamayan.

Pinangunahan nina Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria at Hon. Vice Mayor Jimbo Ragadio Gongora, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang nasabing programa na dinaluhan din ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at mga katuwang na sektor.

Ipinabatid ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang nalalapit na pagdiriwang ng Solo Parents Week bilang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng mga solo parent sa komunidad.

Samantala, kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang patuloy na suporta ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng paggawad ng Certificate of Appreciation at plake kay Mayor Soria kaugnay ng matagumpay na pagdiriwang ng Fire Prevention Month 2026.

Ang pagkilalang ito ay bilang pasasalamat sa kanyang aktibong pakikipagtulungan at pagsusulong ng mga programa, proyekto, at gawain ng San Marcelino Fire Station.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor ERS ang kahalagahan ng patuloy na pagtatrabaho nang may dedikasyon at malasakit para sa kapakanan ng mamamayang Marcelinean.

Ipinababatid din ng LGU San Marcelino na ipatutupad ngayong linggo ang Temporary Compressed Work Week (4-day onsite work arrangement).

Sa ilalim nito, ang mga tanggapan sa munisipyo ay magkakaroon ng onsite work schedule mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 AM hanggang 6:00 PM.

Gayunpaman, mananatili sa regular na iskedyul na Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM ang mga opisina na nagbibigay ng frontline at mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na paghahatid ng serbisyo publiko.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat para sa inyo…MARCELINEANS!”

#SerbisyongSORIA#TatakERS