San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE


Pinamunuan ng Biyaya Animal Care katuwang ang Lokal na pamahalaan ng San Marcelino sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office ang ang libreng ‘spay and neuter’ para sa mga alagang aso’t pusa ng mga residente sa San Marcelino ngayong Martes, ika-2 ng Abril 2024.

Nasa mahigit 100 pet owners ang nakilahok sa aktibidad kung saan nasa 143 na aso at pusa ang nakapon sa isinagawang outreach activity.

Ang mga ganitong gawain ay naglalayon na matulungan ang ating mga kababayang pet owners na makontrol ang pagdami ng kanilang mga alagang aso at pusa.

Ayon Municipal Agriculturist Remin Sardo, ang libreng kapon ay bahagi ng nagpapatuloy na adbokasiya ng LGU na bigyang halaga ang kapakanan ng mga hayop at isulong ang responsible pet ownership para sa mga Marcelineans.

Liban sa kapon, may libre ding anti-rabies shots, vitamins, at iba pa para sa mga mahal na alagang aso’t pusa. Katuwang din sa libreng ‘spay and neuter’ activity ang PRMSU San Marcelino Campus, Provincial Veterinary Office ng Zambales, at private veterinary practitioners.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elmer Soria sa Biyaya Animal Care, PRMSU, at Provincial Veterinary Office upang makapagbigay ng ganitong mga serbisyo sa ating mga kababayan lalo na sa mga pet owners.


“Good Governance…Better Service…Best San Marcelino”

S-incerity

O-ptimism

R-egularity

I-ntegrity

A-ccountability

#SerbisyongSORIA