San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Masaya at puno ng katatagang naidaos ang SENIOR CITIZENS YEAR END EVALUATION and ASSESSMENT kasama ang ating mga kababayang nakakatanda ngayong araw, ika-23 ng Disyembre 2023 sa Municipal Covered Court.

Dumalo dito ang ating butihing Hon. Mayor Elmer, SBM. Hon. Apolinario Abelon, MSWD Officer Sahra Soria, OSCA Head Fatima Ladringan, FSCAP President Edilberto Ladiero.

Kaugnay nito, buong pusong naibahagi ang mga pamaskong handog na para sa kanila katuwang ang ating MSWDO staff at Daycare workers.

Nagkaroon din ng pa-raffle ng mga appliances at cash gift para sa kanila.

Bukod dito, ibigay din ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino ang Social Pension ng mahigit 70 nating mga lolo’t lola na nagkakahalaga ng 3,000 pesos.

Bawat ngiti na atin pong nasilayan sa mga labi ng ating mga mahal na lolo’t Lola ay simbolo lamang na ang pag-asa ay hindi natatapos at nanatiling mayabong anumang oras at sitwasyon. Serbisyong Puno ng pagmamahal, respeto, Tapat at Dapat para sa ating mga nakakatanda!