San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Dinagsa ng mga kababayan ang inaabangang pagsisimula ng Pasko ng Pamilyang Marcelineans o ang Christmas Lighting Ceremony–isang simpleng aktibidad na hudyat ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa bayan ng San Marcelino ngayong gabi, ika-1 ng Disyembre 2022.

Pinangunahan ito ng ating butihing Hon. Mayor Elmer Soria, First Lady Emelita Teves-Soria, Hon. Vice Mayor Cristopher “Jimbo” Gongora at kanyang asawa na si Ma’am Lineth Mateo, mga Konsehal at dinaluhan ng mga empleyado ng munisipalidad at ilang mga bisita.

Agad naman itong sinundan ng isang countdown matapos ay saba’y sabay na binuksan ang mga Christmas lights at magarbong fireworks display.

Nagliwanag ang Plazuela, Freedom Park, Munisipyo, mga puno sa paligid nito. Dagdag atraksyon naman ang Candyland Christmas theme.

Naging masayang bahagi rin ng programa ang presentasyon ng Beat Bataenos Drum Beaters. Enjoy naman sa paglilibot at pagse-selfie ang publiko na naka-saksi sa naturang pailaw.

Sa mensahe ng Ama ng bayan, Masaya siyang makita ang mga nanggagandahang ngiti ng ating mga kababayan ngayong gabi, na talaga namang ramdam ang okasyon sa kanilang mga mukha.

“At dahil diyan, nais kong pasalamatan ang mga nagbigay ng kanilang panahon at nagsipag upang ang lahat ng ito’y maging posible para sa lahat ng mga narito. Makikita natin mamaya ang mga pinagpaguran ng mga tao sa munisipyo habang sinasaksihan natin ang pagpapailaw ng mga Christmas Lights na bahagi ng kaganapan sa gabing ito. Ito ang unang pasko ko bilang Mayor… dati, kung pamilya ko lang ang aking kasalo sa hapag kainan sa bahay, ngayon isang buong munisipyo na ganito magbigay ng biyaya ang Diyos.” – Ani Mayor Elmer.

Pinasalamatan din ni Mayor Elmer ang bumubuo ng Committee on Christmas Decoration/Team Pailaw at Municipal Tourism Office na naging punong abala sa mahigit dalawang buwan nilang paggawa ng napakagandang Candyland Christmas theme.

Samantala, naitampok naman sa ABS-CBN News ang Christmas Lighting Ceremony ng LGU ngayong gabi.