San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

PROYEKTONG SOLAR LIGHTS SA BARANGAY BUHAWEN, HANDOG NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG SAN MARCELINO

Binigyang katuparan ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa liderato ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria ang pangarap ng Barangay Buwahen na mapagliwanag ang madidilim na bahagi ng kanilang mga kalsada sa pamamagitan ng pagkakaroon ng solar street lights.

Pasasalamat kay Mayor ERS ang ipinaaabot ng kanilang Punong Barangay at ng ating mga kababayan dahil malaking tulong anila ito sa kanilang mga ka-barangay.

Bukod sa liwanag na hatid ng nasabing mga solar lights, wala anila silang babayarang buwanang electric bill at mabibigyan pa nila ng dagdag siguridad ang kanilang mga ka-barangay.

Kaugnay nito, bukod sa Barangay Buhawen, ay napagkalooban din ni Mayor ERS ng Solar Street Lights ang lahat ng Barangay.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”
#TatakERS