San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Maulan man ngunit masigla pa rin at positibong umaga ang sinalubong ng mga Lingkod Bayan at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating butihing Hon. Mayor Elmer Soria at Hon. Vice Mayor Cristopher Gongora , sa pamamagitan ng pakikiisa sa lingguhang flag raising ceremony bilang panimula ng isang progresibong Linggo.

Sa mensahe ng ama ng bayan, pinasalamatan niya si Vice Mayor Gongora at MDRRMO sa mabilis pag aksyon upang mapigilan ang pag apaw ng palupyas irrigation at sa naganap na minor landslide sa kalsadang sakop ng Barangay Aglao dulot ng LPA.

Binanggit din ni Mayor Elmer ang effort ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa nakaraang linggo.

Kaugnay naman sa Brigada Eskwela ng DepEd na nagsimula noong nakaraang linggo, inatasan ni Mayor Elmer ang lahat ng concerned agencies dito sa bayan na tulungan ang mga guro sa paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Samantala, pinamunuan ng MDRRMO ang naturang programa.

Patuloy na maglingkod ng masigla, tapat at may malasakit para sa ating bayan at mamamayan ng San Marcelino!

“Good Governance…Better Service…Best San Marcelino”S-incerityO-ptimismR-egularityI-ntegrityA-ccountability

#SerbisyongSORIA