San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

150 BENEPISYARYO PARA SA ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATION (AICS), NAKATANGGAP NG TULONG PINANSIYAL MULA KAY SENATOR NANCY BINAY Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang ating Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ms. Sahra Soria at sa patnubay ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ang AICS ay tulong pinansyal para sa mga indigent kung kaya naman ngayong araw, ika-13 ng Mayo 2022 ay nakatanggap ng tig-2,000 pesos AICS ang 150 na benepisyaryo mula sa ating bayan. Sa mensahe ni Mayor ERS, malaking bagay ang tulong na ito para mga kababayang Marcelineans. Ayon sa kanya, gamitin ang ayuda para pandagdag pagkain ng pamilya o para sa karagdagang gamot para sa may karamdamang miyembro ng pamilya. Taos-pusong pasasalamat ni Mayor ERS kay Senator Imee Marcos upang maibaba ang pondo na maipamahagi ang mga tulong pinansiyal na ito sa ating mga kababayan. Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!#TatakERS