San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

BAGONG BILING HEAVY EQUIPMENT NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG SAN MARCELINO, DUMATING NAKasabay ng pagsisimula ng tag-ulan, dumating ngayong araw, Mayo 20 ang isang unit ng bagong Wheel Type Excavator with Dozer and breaker line na binili ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria.

Personal itong sinalubong ng ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni MDRRMO Head Edar Mauricio III at Municipal Budget Officer Ivy M. Garcia. Ayon kay Mayor ERS, ang heavy equipment na ito ay malaking katulungan sa pagsasaayos ng mga kalsada at pagpapalalim ng mga bahagi ng ilog upang maibsan ang pagbaha sa bayan at mas mapabilis ang pag aksyon kapag may kalamidad.Patunay ito, aniya, ng isang pamamahalang may galing at serbisyo para sa bawat isang Marcelineans. Ipapasakamay ang nasabing bagong heavy equipment sa MDRRMO ng Lokal na Pamahalaan.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”#TatakERS