San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Malugod na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria at PESO Manager Ivy M. Garcia ang Bureau of Local Employment (BLE) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangunguna ni Asst. Undersecretary Dominique Nikki Tutay ngayong unang araw ng Hunyo 2022.

Binisita ng BLE ang opisina ng PESO at nag courtesy call kay Mayor ERS.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Asst. Undersecretary Tutay kay Mayor ERS at sa pamunuan ng San Marcelino Employment Services Office (PESO) na pinangungunahan ni PESO Manager Ivy M. Garcia sa pagkakataong makilala ang mga pamosong programa ng San Marcelino.

Natuwa rin si Asst. Undersecretary sa ating mga Barangay PESO Coordinators at nagpasalamat din siya sa kanila.

Sa kabilang banda, binigyang-pugay ng BLE sina Mayor ERS at PESO Manager Ivy Garcia sa kanilang naging kontribusyon upang maiparating sa kanilang nasasakupan ang mga serbisyo ng DOLE.

Nagpasalamat din si Mayor ERS kay Asst. Undersecretary Tutay sa napakaraming programa ng DOLE na ibinababa sa bayan ng San Marcelino.

Samantala, kasamang bumisita si DOLE Zambales Field Office – Chief Labor Employment Officer Reynante Lugtu.

Ang bayan lang ng San Marcelino at Lungsod ng Olongapo sa Zambales ang binisita ng BLE.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”

#TatakERS