San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

GAD AT BAGONG WEBSITE NG LGU SAN MARCELINO, INILUNSAD NA Inilunsad na ngayong Biyernes, ika-27 ng Mayo taong 2022 ang Gender And Development (GAD) Website at bagong develop na opisyal na website ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino. https://sanmarcelinozambales.gov.ph/

Ito ay mas pinaganda, maraming bagong features at user-friendly. Maging sa mobile phones ay pwede nang ma-acces ang naturang website.

Pwede na ding idownload ang forms na may kaugnayan sa pagrerenew ng business permit at iba pa.

Ang paglulunsad ay pinangunahan ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria, kasama si EnP. Floralyn Ramat-Mendoza ng MPDC , Mr. Jay Jimenez – ISR I at Mr. Kel Escueta – Web Developer.

Ang layunin ng bagong website na ito ay upang unti-unting maging digital ang LGU at mabigyan din ang mga Marcelineans at mga bumibisita, ng isang mas madaling paraan upang matuto at magkaroon ng kaalaman tungkol sa San Marcelino. Ang Office of the Mayor ay patuloy na mag-a-update ng nilalaman na may kapaki-pakinabang na impormasyon, mga artikulo, mga blog, mga press release, at mga anunsyo ng lokal na pamahalaan.

Edukasyon….Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”

#TatakERS