Muling Dinagsa ng mga turista ang Mapanuepe Lake sa bayan ng San Marcelino noong nakalipas na Semana Santa 2024.
Sa datos Municipal Tourism Office, umabot sa 7,138 tourist arrivals ang nagpunta sa mapanuepe lake mula Miyerkules Santo, Marso 27 hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31, 2024.
Ikinatuwa ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino ang patuloy na pagtaas ng tourist arrivals sa bayan dahil malaking tulong ito sa lokal na ekonomiya.
Matatandaang noong nakaraang Holiday ng Pebrero 9, nakapagtala ng 1,508 na bilang ng mga turista na dumating sa Mapanuepe Lake.
Ito ang Record breaking na tourist arrivals sa naturang lugar sa loob lamang ng isang araw.
Sa panayam ng San Marcelino PIO kay Marc Soriano na mula pa sa Valenzuela City, Metro Manila, gusto niya talagang bisitahin ang lugar kasama ang kanyang buong pamilya.
Aniya, maganda umanong idaos ang mahal na araw sa mapanuepe lake dahil sa taglay nitong kagandahan, tahimik at kampante rin umano siyang bumisita sa naturang lugar dahil naroon ang mga pulis at opisyal na nakahandang rumesponde kung sakaling magkaroon ng aberya o insidente.
Ayon naman sa Municipal Tourism Office, noong Miyerkules Santo pa umano nagsimulang nagdagsaan ang mga mga turista Kaya’t mas lalo nilang pinaigting ang seguridad ng bawat isa katuwang MDRRMO, Municipal Treasurer’s Office, Municipal Health Office, PNP at Philippine Army.
Nakabantay rin ang Municipal Environment on Natural Resources (MENRO) Office upang ipaalala sa mga turista ang kalinisan sa lugar.
Sa datos ng LGU San Marcelino, ang mga turista ay nagmula sa Metro Manila, Baguio City, Tagaytay City, Isabela, Nueva Ecija, La Union, Pangasinan, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas at maging ang ating mga karatig na bayan dito sa Zambales.
Kaugnay nito, sa inisyatibo ng ating butihing Ama ng Bayan, Hon. Mayor Elmer Soria, nakaalerto ang buong pwersa ng MDRRMO, Municipal Health Office, PNP San Marcelino, BFP, Philippine Army at Barangay Officials ng Aglao at San Rafael upang imonitor at magbantay sa lugar para sa kaligtasan at seguridad ng mga turista.
Samantala, umaasa naman ang LGU San Marcelino na mas dadagsaan pa ng mga turista ang San Marcelino sa mga susunod na long weekends at holidays.
“Good Governance…Better Service…Best San Marcelino”
S-incerity
O-ptimism
R-egularity
I-ntegrity
A-ccountability