San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

Ipinadama ng ating butihing Hon. Mayor Elmer Soria ang pagmamahal niya sa ating mga kababayang may kapansanan sa pamamahagi ng Pamaskong handog na ginanap ngayong araw ng Huwebes, Disyembre 22, 2022 sa Municipal Covered Court.

Nagkaroon ng maikling programa na dinaluhan ni SBM. Hon. Apolinario Abelon, MSWD Officer Sahra Soria, Municipal PWD President Franklin Abordo at dinaluhan ng iba’t iba nating kababayan na PWD mula sa 18 Barangays.

Mayroong inihandang pa-raffle na appliances, cash gift at ibinigay na noche buena packs ang Ama ng bayan.

Kaugnay nito, sa mensahe ni Mayor Elmer, dahil panahon ng panahon ng Kapaskuhan, mas pasiyahin natin ang paggunita nito sa pamamagitan ng pagpapasaya sa kanila.

Sinabi niya na iparamdam natin sa kanila, sa kabila ng lahat ng kanilang sitwasyon at mga pinagdaraanan ay may mga taong tanggap sila at handa silang tulungan anumang oras na kailangan nila tayo. Iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal at pagpapahalaga na siyang tunay na diwa ng pasko.

Pinasalamatan at humahanga naman si Mayor Elmer sa mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa kanilang didikasyon na ibinibigay upang matulungan ang mga kababayan nating nangangailangan ng totoong pagkalinga at pag-intindi mula sa kani-kanilang pamilya.

Sinabi din ni Mayor Elmer na asahan na tuloy-tuloy ang mga gagawing programa at proyekto na tututok sa kapakanan at karapatan ng ating mga kababayang may mga espesyal na panganga-ilangan.

Samantala, ibinigay rin ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino ang Educational Assistance ng mga estudyanteng may kapansanan na tig-3,000 pesos. 50 dito ay nag-aaral ng elementary at 36 naman ang nag-aaral ng high school.

Umuwi namang nakangiti at masaya ang ating mga kababayang may kapansanan at kanilang mga pamilya. Samantala, kasama sa mga naging punong abala ang masisipag na kawani ng MSWD Office at pagbabantay ang MDRRMO.