San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

PAGBABASBAS NG BAGONG BILING AMBULANSYA AT WHEEL TYPE EXCAVATOR NG LGU SAN MARCELINO, ISINAGAWABinasbasan ang isang bagong biling ambulansya at isang Wheel Type Excavator with Dozer and Breaker Line ng Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa pamunuan ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria na ginanap ngayong araw ng Huwebes, Mayo 26 sa Parokya ni San Guillermo.

Ipinasakamay ang nasabing ambulansya sa Rural Health Unit/Municipal Health Office at Excavator sa MDRRMO ng Lokal na Pamahalaan. Pinangunahan ni Rev. Father Eric Dela Cruz ang nasabing blessing ceremony kasama sina Rural Health Physician Dra. Giselle Paje-Ragadio, G. Lyndon Ragadio, G. Rodel Marìñas at G. Benjie Villanueva ng MDRRMO. Ang bagong ambulansya at excavator ay lubos na makakatulong upang masiguro ang “Tatak ERS” na serbisyo lalo na sa oras ng pangangailangan at pagtugon sa mga emergency at kalamidad.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”#TatakERS