San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

DOLE-TUPAD PROGRAM Sa maayos na pakikipag-ugnayan ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria sa Pamahalaang Nasyunal, makikinabang ang ating mga mamamayan dahil marapat lamang na sila ay tulungan at paglingkuran. Ngayong Huwebes, ika-26 ng Mayo 2022 ay ginanap ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers’ Orientation at distribusyon ng kanilang PPE na ginanap sa Municipal Covered Court. Pinangunahan ito ng Department of Labor and Emplyment (DOLE) at Municipal PESO Office sa patnubay ni PESO Manager Ivy M. Garcia kasama si Liga President Eddie Domingo at PESO staff.

Nagpapasalamat si Mayor ERS at Lokal na Pamahalaan ng San Marcelino sa DOLE at kay Senator-elect Loren Legarda sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan gamit ang TUPAD program. Maraming Marcelineans ang makikinabang nito na nagmula sa mga barangay ng ating bayan. Sila ay makapagtatrabaho sa loob ng sampung araw kung saan sila ay maglilinis sa kani-kanilang barangay. Sa gabay ni Mayor ERS at sa matapat at maayos na paglilingkod, anumang hirap ng buhay ay ating mapapagaan, at ang pag-unlad ay ating makakamtan.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”#TatakERS