San Marcelino, Zambales, Philippines

MUNICIPALITY OF

SAN MARCELINO, ZAMBALES

OFFICIAL WEBSITE

LOKAL NA PAMAHALAAN, PATULOY NA NAMIMIGAY NG LIBRENG BINHING PALAY SA MGA MAGSASAKA NG SAN MARCELINO Ngayong araw ng Huwebes, Mayo 26, nagpapatuloy ang pamamahagi ng libreng binhi ng palay para sa mga magsasaka ng San Marcelino ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating minamahal na Mayor Elvis Ragadio Soria sa pamamagitan ng tanggapan ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Remin Sardo.

Ang mga binhing ipinamahagi ay mula sa Department of Agriculture na naglalayong tulungan ang ating mga magsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga dekalidad na binhi ng palay. Patuloy ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya para sa kagalingan at kaunlaran ng ating mga magsasaka.

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”#TatakERS

“Edukasyon…Respeto…Serbisyong tapat…para sa inyo MARCELINEANS!”#TatakERS